Laiterang bashers nina Alden at Maine napahiya

maine mendoza at alden richards

BUHAY pa rin ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza. Hinusgahan kasi agad ng social media trolls na sumabay sa ending last Saturday ng Kalyeserye ng Eat Bulaga ang kasikatan nina Den at Meng, huh!

Pero mali sila dahil sa guesting ni Maine sa first anniversary celebration ng Sunday PinaSaya last Sunday, nagpista sa social media ang AlDub Nation! Tuwang-tuwa sila sa kanilang mga idolo na nagsimulang magsumbatan sa kanilang segment pero towards the end, nagkabati, nag-duet and yes, pinagbigyan ni Meng si Alden ng isang halik sa pisngi.

Samantala, kahapon sa Eat Bulaga segment na Juan For All All For Juan, bumulaga na si Paolo Ballesteros. Balik-EB na nga ang TV host-comedian matapos mawala nang ilang buwan.

“I miss you too!” bulalas ni Paolo sa Dabarkads. Biniro siya ni Joey de Leon na magkakaroon daw uli ng show sa Subic ang Bulaga. Sa isang event sa Subic kasi nagsimula ang suspensyon ni Paolo.

So, sa pagbabalik ni Paolo, senyales na ito marahil ng pagsisimula ng book 2 ng Kalyeserye.

Read more...