AT eto pa, gaano rin kaya ka-true ang tsismis na diumano’y verbally abused ang isang babaeng gustong makipaghiwalay sa kanyang showbiz partner?
Hindi mo raw talaga aakalaing yun ang rason kung bakit nasira ang relasyon ng dalawa.
Sey uli ng ating mga ka-Chismacker, “Hindi na raw matagalan ng girl ‘yung pati ang nakaraan niya ay palaging isinusumbat ng kanyang partner kapag nag-aaway sila. Talagang tortured daw ang kanyang beauty. Sobra kasing dumakdak si ______ (lalaking celebrity) na mas masahol pa raw sa babae kung pumutak.”
Hay naku, parang ang hirap talagang paniwalaan ng tsismis na ito pero sumusumpa ang aming sources na lalabas at lalabas din ang totoo kung bakit biglang nawasak ang magandang pagsasama ng dalawa.
MOST READ
LATEST STORIES