Gustong magnegosyo (2)

Sulat mula kay Maylene ng Sto. Nino, SFDM,  Quezon City
Problema:
1. Ako po ay dating OFW at kauuwi ko lang nitong last June. May konti na akong naipon at para daw wag na uli akong umalis pa para mag-abroad sabi ng mister ko ay magnegosyo na lang daw po kami. At ang balak nyang negosyo ay computer rental sa aming probinsya sa Nueva Ecija. Itatanong ko lang sana kung bagay po ba sa aming mag-asawa ang nasabing negosyo?
2. Addict po kasi sa computer ang panganay kong anak na lalaki at sabi nya kapag daw nag negosyo kami ng computer rental ang anak ko daw pong ito ang tatao at magma-manage. Pero mas gusto ko po ang grocery sa palengke at pinapahanap ko siya ng puwesto. Ano po ba ang magandang negosyo na magpapayaman sa amin na dapat namin simulan, balak po kasi naming magsimula ngayong darating na November o kaya’y December maganda po kaya sa amin ang buwang ito? January 8, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Maylene
Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay nagsasabing tama ang binabalak mong negosyong grocery at sa nasabing negosyo sa palengke o sa bayan, at sa buwan ng Oktubre, Nobyembre o kaya’y sa Disyembre bubuksan, tuloy-tuloy na nga lalakas at uunlad ang nasabing negosyo.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ang nagsasabing kung sakaling kukuha ka ng tauhan o tindero sa iyong negosyong grocery siguraduhin mong 5, 14 o kaya’y 23 ang kanilang birth date, ganon din silang isinilang sa birth date na 7, 16 at 25. Dahil bukod sa iyo ang nasabing mga birth date ang likas na suwerte sa negosyo, na kapag sila ang naging tauhan mo tiyak na papayamanin ka ng nasabing mga tao.
Luscher Color Test:
Buenas namang gamitin ang kulay na pula, at berde sa itatayo nyong negosyo. Ang nasabing mga kulay ang hihigop ng suwerte at dagdag pang ma-gagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Maylene sa unang pagbibilog ng buwan sa langit sa darating na buwan ng Oktubre, na natapat sa ika-16 ng Oktubre 2016, simulan nyo na agad ang naiisip mong negosyo. Sa sanda-ling nagawa at naipatupad mo ang nasabing mungkahi sa itaas, tiyak ang magaganap paglipas ng mga apat, lima hanggang anim na taon pa, sa year 2019 hanggang 2020 o kaya’y 2021, sa edad mong 41 pataas, maunlad na munlad na ang inyong negosyo hanggang sa tuloy-tuloy ng yumaman ang inyong pamilya.

Read more...