Badjao Girl tsinugi na sa PBB house, kulelat sa huling task ni Big Brother

 

badjao girl

Photo courtesy of entertainment.abs-cbn.com

EVICTED na ang social media sensation na si Badjao Girl sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 matapos mangulelat sa huling challenge na ipinagawa ni Kuya nitong nagdaang weekend.

Isa si Badjao Girl o Rita Gabiola sa tunay na buhay sa mga nominado sa huling eviction night ng PBB kasama sina Heaven Peralejo, Kristine Hammond at Christian Morones na sumabak din sa huling task ni Big Brother.

Paramihan ng mailalagay na Rubik’s Cubes sa ibabaw ng isa’t isa ang labanan sa loob ng 10 minuto – naka-13 lang si Badjao Girl, habang naka-18 naman sina Kristine at Christian. Naka-15 naman si Heaven.

Isa si Rita sa mga naging instant favorite ng madlang pipol sa loob ng PBB house dahil na rin sa kanyang kasimplehan. Naging mainit na topic pa nga sa social media ang diumano’y pambu-bully sa kanya ng ibang housemates.

Unang nakilala ng publiko si Badjao Girl nang mag-viral sa social media ang litrato niya habang namama-limos sa Lucban, Quezon kasama ang kanyang kapatid.

Na-nominate for elimination si Rita dahil sa reklamo ng kapwa housemates – immature raw kasi ang dalagita at hindi nakikipag-cooperate sa mga ibinibigay na tasks ni Big Brother.

 

Read more...