Pagbili ng relief goods ng OVP kinuwestyon ng COA

  Jejomar C. Binay
Kinuwestyon ng Commission on Audit ang pagbili ng Office of the Vice President na pinamumunuan noon ni Vice President Jejomar Binay ng P24.153 milyong relief goods ng hindi dumaan sa public bidding noong 2015.
    Ayon sa COA dumaan sa negotiated contract ang 44 beses na pagbili ng mga relief goods.
    Sinabi ng OVP na mabilisan ang pangangailangan sa relief goods kaya hindi na ito dumaan sa public bidding.
     Pero sinabi ng COA na nagsasagawa ng prediksyon ang weather bureau kung ilang bagyo at kailan ito papasok ng Philippine Area of Responsibility kaya mayroong panahon kung kailan ito maaaring bilhin.
     Hindi rin umano isinama ng OVP sa kanilang Annual Procurement Plan ang mga relief goods.
     Ayon pa sa COA hindi rin inilagay ang mg transaksyon sa Philippine Government Electronic Procurement System na kailangan sa ilalim ng Government Procurement Reform Act.
     Kinuwestyon din ng COA ang kawalan ng mga dokumento na magpapatunay na nai-deliver ang mga relief goods gaya ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan o national government agency na nangangasiwa ng distribusyon nito. 
     Samantala, kinuwestyon din ng COA ang P3.924 milyong pondo ng OVP na ibinayad sa mga consultancy services noong 2015 matapos na hindi isumite ang kanilang curriculum vitae at accomplishment reports.

Read more...