PINAGHAHANAP na ng pulisya ang tatlong katao na wanted para sa interogasyon kaugnay ng pambobomba sa isang night market sa Davao City.
Kabilang sa mga pinaghahanap ng mga pulis ay dalawang babae at isang lalaki, kung saan ang bandidong Abu Sayyaf ang itinuturong nasa likod ng pambobomba, ayon kay Chief Inspector Andrea de la Cerna
Idinagdag ni de la Cerna na posibleng ganti ng Abu Sayyaf ang ginawang pag-atake sa harap naman ng operasyon ng militar sa Jolo, Sulu, na kilalang kuta ng teroristang grupo.
Iginiit naman ni de la Cerna, na tumatayo ring spokeswoman ng task force na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nangyaring pagsabog, na hindi rin nila isinasantabi ang iba pang motibo ng pag-atake.
“We have copies of the CCTV (closed-circuit television), we have eight possible witnesses but we have named no one (as suspects),” sabi ni de la Cerna.
Niliwanag naman niya na hindi pa kinukunsiderang mga suspek ang tatlong pinaghahanap, bagamat hindi na nagbigay ng iba pang detalye.
MOST READ
LATEST STORIES