Agusan niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

Isang lindol na may lakas na magnitude 5.7 ang yumanig sa bahagi ng Mindanao ngayong araw.
     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:38 ng umaga.
     May lalim itong 11 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Ang sentro nito ay anim na kilometro sa silangan ng bayan ng La Paz.
     Naramdaman ang Intensity IV sa Butuan City.
     Intensity 2 naman sa Cagayan de Oro City at Intensity I sa Kidapawan City.
     Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershock ang paggalaw na ito.

Read more...