INABAMGAN at tinutukan ng mga manonood ang pagbabalik primetime ng phenomenal loveteam nina James Reid at Nadine Lustre kaya naman nanguna sa national TV ratings ang pilot episode ng seryeng Till I Met You noong Aug. 29.
Matinding suporta nga ang ipinaramdam ng fans para sa latest serye ng ABS-CBN kaya naman nagkamit ito ng national TV rating na 28.2%, higit na mataas kumpara sa katapat na palabas nito sa kabilang network na nakakuha lamang ng 17.2%.
Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa pagbabalik primetime nina James at Nadine sa pag-ulan ng sari-saring papuri para sa serye, dahilan para mag-trend sa Twitter ang official hashtag na #TIMYLoveBegins at makakuha ng higit 1 million tweets.
At ngayon ngang handa na silang makipagsapalaran sa Greece, magtuloy-tuloy na nga kaya ang pag-iibigan nina Iris at Ali? Paano nga kaya mababago ni Basti ang takbo ng kanilang samahan?
Samantala, mag-log on lamang sa www.TillIMetYou.com para sa latest updates at exclusive content na siguradong magpapakikilig pa sa fans.
Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa Till I Met You, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
Samantala, talagang nakatutok ngayon sa serye ang mga beki na naglalaway kay James Reid. Hinihintay kasi nila ang mga eksena kung saan kailangang maghubad ng binata.
Sabi nga ng isang bading na follower ni James sa Instagram, “Hindi muna ako nagdi-dinner, super wait ko talaga si James sa Till I Met You para may ulam ako! Sh***t! Mas lalo pa siyang naging hot ngayon! Sarap sabunutan ni Nadine! Kakainggit ka girl! Ha-hahaha! Ikaw na!”