Pa-booking na youngstar walang utang na loob, kaibigang bugaw galit na galit

BLIND ITEM WOMAN 0226

MASAMANG-MASAMA ang loob ng isang Boogie Wonderland (read: matchmaker, pimp, bugaw) sa isang young actress na lumapit sa kanya nu’n para manghingi ng tulong ng pampinansiyal!

Natural, wala namang datung ang Boogie Wonderland, kaya ano pa nga ba ang kanilang mapagkakasunduan ng young actress kundi ang pagpapakilala sa kanya sa isang azucarera de papa?

At ganu’n nga ang naganap, ipinakilala ng jugaling ang young actress sa isang milyonaryong negosyante, exit na ito sa eksena pagkatapos itong hatagan ng komisyon ng young actress.

Ang Boogie Wonderland din ang dahilan kung bakit nakapasok sa showbiz ang young actress, nagasgas ang suwelas ng sapatos ng jugaling sa pagpapakilala sa young actress sa mga may kuneksiyon sa iba’t ibang network, sinuwerte naman ang girl.

“Nagkaroon siya ng serye, bida agad ang girl, hanggang sa kinuha na rin siya ng isang malaking produksiyon para itambal sa isang guwapong aktor.

“Aba, ang hitad, kapag tinatawagan siya ng jugaling na naging susi sa maganda niyang kabuhayan showcase ngayon, e, hindi na sinasagot ng young actress ang mga tawag niya!

“Gasgas na rin ang mga daliri niya sa kate-text sa girl, pero waley pa rin, hindi man lang siya tine-text back ng young actress! Nakalimutan na siya ng babaeng dati’y nagdarahop sa buhay!

“Biruan nga ng tropa ng jugaling, ano raw kaya at mag-post siya sa social media para ipakilala kung sino talaga ang babaeng ‘yun at kung saan siya nanggaling? Sabihin daw kaya ng jugaling kung ano ang participation niya sa buhay ng girl na bumibida na ngayon sa pelikula?

“Sigurado ako, Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sino ang girl na ito. ‘Yan ang totoo! ‘Yan ang kumpirmado!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Read more...