JC Santos swak na swak bilang ‘panggulo’ sa JaDine

JC Santos

MAGANDA ang chemistry ni JC Santos sa tandem nina James Reid at Nadine Lustre sa Till I Met You.

Ang sarap niyang panoorin habang unti-unti siyang nade-develop sa karakter ni Basti (James). Hay, ang sarap din namang maging tagong bading. Ha-hahaha!

Well, ibang-iba na nga ang lalim ng akting nina James at Nadine sa bago nilang serye. Malayo nga ito sa minahal nating sina Clark at Leah noon sa On The Wings Of Love at tiyak naming mas mamahalin sila ng manonood sa TIMY.

And please, iakma na lang ang mga hitsura ng parents nila sa soap na sina Carmina at Pokwang at Zoren, para hindi naman obvious na gusto pa rin nilang magmukhang “millennials”, noh!
Minsan kasi nahihirapan kaming kumbinsihin ang aming sarili namin na hindi man lang nagbago ang kanilang mga itsura kahit malalaki na ang mga anak nila sa kuwento.

Read more...