Medyo sumama pala ang loob ng ilang supporters ng tambalang LizQuen sa mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na parehong kasama ngayon sa teleseryeng Till I Met You ng JaDine.
Nalagyan kasi ng malisya ang tila pagsaway ni Carmina sa asawa nang mahingan ito ng komento o reaksyon hinggil sa pagkakaiba ng mga loveteams na nakatrabaho na nila.
Sey ng ilan naming ka-Chismackers, “Okey na sana kung hinayaan na lang ni Carmina na maging totoo o maging prangka ang asawa niya sa anumang sasabihin nito dahil nakatrabaho nga ni Mr. Zoren ang LizQuen. Pero ‘yung pinigilan niya ito matapos banggitn ang Forevermore, eh parang nalagyan tuloy ng kulay.
“Alam naming prangka si Mr. Zoren, pero mas nagmukha kasing merong hindi magandang sasabihin nang pigilan siya ni Carmina,” dagdag pa.
May nagsabi naman ng, “Bakit, hindi ba nakatrabaho din ni Ms. Carmina ang isa pang loveteam? Bakit hindi na rin niya itinuloy-tuloy ang pag-emote para patas ang pagkakagamit sa mga hindi naman kasama sa show?”
Well, bilang mahal na mahal ko rin sina James Reid at Nadine Lustre na bumibida at umaariba sa Till I Met You, gusto kong bigyan ng pang-unawa ang hinaing ng mga nasaktang supporters nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ito naman kasing sina Zoren at Carmina, sa dinami-dami ng mga pagkakataong posible nilang gawing “civil” ang mga bagay-bagay, eh bakit umarte pa ng ganu’n. Yes, kapatid na Ervin. Sa mag-asawa ko rin isisisi ang hinaing dahil kung pagpapakakontrobersyal ang habol nila eh, sobrang waley, ha!
Kilala naman naming mababait sina Carmina at Zoren at isa nga ang relasyon nila sa showbiz na masasabing pinagtibay na ng panahon pero hello! Hindi sila ang mga bida sa serye kaya sana’y iniwasan na lang nila ang ganu’ng emote.
Ayan, nagtataray na tuloy ako. Ha-hahahaha!