Sulat mula kay Maylene ng Sto. Nino, SFDM,
Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay dating OFW at kauuwi ko lang nitong last June. May konti na akong naipon at para daw wag na uli akong umalis pa para mag-abroad sabi ng mister ko ay magnegosyo na lang daw po kami. At ang balak nyang negosyo ay computer rental sa aming probinsya sa Nueva Ecija. Itatanong ko lang sana kung bagay po ba sa aming mag-asawa ang nasabing negosyo? Addict po kasi sa computer ang panganay kong anak na lalaki at sabi nya kapag daw nag negosyo kami ng compute rental ang anak ko daw pong ito ang tatao at magma-manage. Pero mas gusto ko po ang grocery sa palengke at pinapaanap ko siya ng puwesto. Ano po ba ang magandang negosyo na magpapayaman sa amin na dapat namin simulant, balak po kasi naming magsimula ngayong darating na November o kaya’y December maganda po kaya sa amin ang buwang ito? January 8, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Maylene Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Tanda na kung sakali mang magnenegosyo kayo ng mister mo at ng mga anak mo, ikaw ang dapat tumao, magasiokaso at mag manage ng iyong negosyo upang kayo ay tuloy-tuloy na umunlad hanggang sa yumaman.
Cartomancy:
King of Spdes, Queen of Diamonds at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi ang anak mo o ang mister mo ang mag-aahon sa inyong sa kahirapan at magpapayaman ng inyong pamilya, kundi ikaw mismo, kaya kung anoman ang suwesyon nila hindi mo dapat pakinggan, kundi ang pinaka-the best na policy, ikaw ang laging dapat na masunod upang matiyak ang pag-asenso at pagyaman ng iyong pamilya lalo na kung ikaw ay isang babae na medyo chubby ang pangangatawan.
Itutuloy…
Gustong magnegosyo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...