Abu Sayyaf binawi ang pag-amin; itinuro kaalyadong grupo

Sinusuri ng mga pulis ang mga biktima ng pagsabog sa night market sa Davao City. AP

Sinusuri ng mga pulis ang mga biktima ng pagsabog sa night market sa Davao City. AP

ZAMBOANGA CITY – Matapos umamin, binato rin ng Abu Sayyaf na ito ang may pakana ng pagsabog sa Davao City night market sa Davao City Biyernes na ikinasawi ng 14 at ikinasugat ng 67 iba pa.

Gayunman sinabi ni Muammar Askali alias Abu Ramie, ang spokesperson ng Al Harakatul Al Islamiya, ang opisyal na pangalan ng Abu Sayyaf, na ang kaalyadong nitong grupo ang nasa likod ng pambobomba.

Anya, ang responsable sa grupo ay ang Daulat Ul Islamiya.

“They are doing this to sympathize (with) our group and we are sending a message to President Rodrigo Duterte that all the Daulat throughout the country is not afraid of him,” ayon Askali.

Nagbanta Ito na pasimula lamang ang nasabing pag-atake bilang ganti sa pressure na ginagawa ng militar sa kanyang grupo sa Sulu.
Hihinto lang anya ang pag-atake kung “if Duterte will make our hadith his laws and he will seek conversion to Islam.”

Ang Hadith ay koleksyon ng tradition na binubuo ng mga pahayag ng Propetang si Muhammad.

Read more...