ANG kautusan na huwag pugutan ng mga sundalo ang mga Abu Sayyaf na nahuhuli o napapatay nila ay malamang hindi susundin.
Kung mag-insista ang isang military commander na makipaglaban ng “fair and square” ang kanyang mga tauhan sa bandidong Moro, baka pagkaisahan siya ng kanyang mga sundalo.
Ang kautusan na huwag pugutan ang mga bandidong Abu Sayyaf ay nanggaling daw sa kanilang Commander-in-Chief, ang Pangulong Duterte.
Ang mga sundalo na lumalaban ngayon sa Patikul, Sulu ay sumisigaw ng paghihiganti sa mga kasamahan nilang pinatay at pagkatapos ay pinugutan.
“An eye for an eye, a tooth for a tooth” ang gusto ng mga sundalo gawin sa kanilang mga kaaway.
Hayaan ang mga tropa na gumanti at gawin sa mga halimaw na kaaway ang ginawa nila sa mga sundalo.
Kung mamugot ang mga sundalo sa Abu Sayyaf hayaan lang sila.
Basta huwag lang silang manggahasa at pumatay ng mga inosenteng sibilyan, okey lang ang gagawin ng mga sundalo sa Abu Sayyaf.
Sa digmaan, kung ano ang gawin ng kaaway sa iyo ay dapat din gawin mo sa kanya.
In unconventional warfare, no holds barred ang labanan, íka nga.
Ginawa ng aking ama sa mga kaaway ang ginawa nila sa kanyang mga tauhan.
Ang tatay ko ay opisyal noon ng Philippine Constabulary (PC).
Natatandaan ko pa na noong limang taong gulang ako, ipinrisinta ng kanyang mga tauhan ang isang pugot na ulo.
Nasa quarters kami nang dumating ang mga sundalo ng aking ama lulan ng military jeep dala-dala ang pugot na ulo ng isang lalaki sa kampo ng PC sa Seith Lake, Sulu noong dekada ’50.
Nakaupo ang aking mga magulang sa balko-nahe ng mataas naming bahay (ang silong ay foxhole) nang dumating ang kanyang mga tauhan.
Naglalaro akong mag-isa noon ng aking mga laruan na malapit sa kinauupuan ng aking mga magulang.
Itinaas ng isa sa mga sundalo sa jeep ang pugot na ulo ng isang lalaki upang maipakita sa aking ama.
“Very good, very good,” natatandaan kong sinabi ng aking ama sa mga sundalo habang ginagantihan niya ang saludo nila.
Many years later, when I was in my 20’s, isinalaysay ko ang natatandaan kong eksenang yun sa kanya.
Hanggang kasi nga-yon, matapos ang mahabang panahon, natatandaan ko pa ang eksenang yun sa Sulu na parang kahapon lamang naganap.
Tinanong ko ang ama ko kung bakit siya ngumiti nang ipinakita sa kanya ang pugot na ulo.
Sinabi niya na ang ulo ay galing sa isang Moro outlaw na pumatay ng isa sa kanyang mga tauhan sa labas ng kampo at pi-nugutan pa ito.
Inutusan ng aking ama ang kanyang ibang tauhan na hanapin ang salarin at pugutan din ito kapag nahuli. At ganoon nga ang ginawa ng mga sundalo.
“Maganda yun para maibalik ang high morale ng aking mga tauhan,” aniya.
Modesty aside, tinuring na isa sa pinakamagaling na military commanders ang aking ama noong panahon niya.
Hindi ako naniniwala sa mga ulat na sinabi ni Digong sa mga sundalo na nakikipaglaban sa Patikul na huwag pugutan ng ulo ang mga Abu Sayyaf na mahuhuli o mapapatay nila.
He was probably quoted out of context.
Ang sinabi lang ni Digong ay huwag aksayahin ang bala sa mga patay na Abu Sayyaf sa pamamagitan ng pagbaril sa bangkay ng paulit-ulit.
Ang sinabi ni Digong sa mga sundalo ay “Kapag natumba na, ‘wag mo nang aksayahan ng panahon, wag mong sayangin ang bala.”
Bakit nga naman magsayang ng bala sa isang patay na hayop.
Hindi naman sinabi ni Digong, “Huwag mamugot ng kalaban.”
Di ba sinabi ng Pangulo kamakailan na kapag malupit ang mga Abu Sayyaf ay mas magiging malupit pa siya?
Wala sa pagkatao ni Digong na mabait sa kalaban.
Mabuting kaibigan si Digong pero masama siyang kalaban.
Walang kaduda-duda na mga addict sa shabu ang mga Abu Sayyaf.
Ayon sa mga dati nilang bihag, ang mga Abu Sayyaf ay hindi napapagod sa takbuhan at lakaran ng malayuan.
Hindi rin sila halos natutulog at palagi silang praning.
People “high” on shabu are capable of extreme violence such as mutilating their victims.
Dapat alamin ng mga sundalo kung sinu-sino ang nagsusuplay sa mga Abu Sayyaf ng shabu at pugutan din ang mga ito.