LRP applications pwede na tuwing araw ng Sabado ngayong buwan ng September

SA pagdiriwang ng ika-59 anibersaryo ng Social Security System (SSS), bubuksan ang 109 piling sangay nito sa buong bansa tuwing Sabado ng Setyembre mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon upang tumanggap ng Loan Restructuring Application (LRP) simula sa Setyembre 3.

Kakibat ito ng pagdiriwang ng SSS sa ika-59 anibersaryo nito ngayong Setyembre na may temang “SSS at 59: Kaagapay at Kabalikat sa Pagbabago”.

Bukas ang LRP para sa mga miyembrong may utang na hindi nabayaran ng higit sa anim na buwan nang ilunsad ito noong Abril 28, 2016.

Maaaring mag-apply ang mga miyembrong nakatira o nagtatrabaho sa lugar na sinalanta ng kalamidad na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o ng gobyerno.

Sa ilalim ng LRP ay tatanggalin ang multa kapag nabayaran ang prinsipal at interes ng utang.

Base sa bulto ng transaksyon ay pinili ang 54 small, 36 medium at 19 large na sangay ng SSS sa buong bansa upang pabilisin ang LRP applications.
Maaari din bisitahin ng mga miyembrong nakatira o nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga pinakamalapit na SSS foreign offices sa kanilang lugar upang mag-apply sa LRP.

Magtatalaga ng special lane ang mga foreign offices upang tanggapin at i-proseso ang mga aplikasyon at para sagutin na rin ang kanilang mga katanungan na may kinalaman sa posting ng LRP repayments,
Dalhin lamang nila ang mga kinakailangang dokumento gaya ng identification cards, nasagutang application form at affidavit of residency upang mapadali ang pagpoproseso ng kanilang aplikasyon.

Ang mga nasabing dokumento may maaaring i-download sa website ng SSS
Ms. Boobie Angela Ocay
Assistant Vice President of Member Loans Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Read more...