Yen Santos: Sino po ba ako para maging leading lady ni Papa P!?

PIOLO PASCUAL AT YEN SANTOS

PIOLO PASCUAL AT YEN SANTOS

SA loob ng anim na taon pagkatapos niyang lumabas bilang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Clash Edition 2010 ay hindi pa pala nakakagawa ng pelikula ang Kapamilya actress na si Yen Santos.

Kaya talagang speechless siya nang kunin ng Regal Entertainment para maging leading lady ni Piolo Pascual para sa pelikulang “Once In A Lifetime” na kinunan pa sa New Zealand kamakailan lang.

Natuwa rin ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo kay Yen kaya pinapirma siya agad ng 4-movie contract bilang part ng Regal Millennial Baby noong Martes ng gabi.

“Hindi po ako nagka-movie, first time lang, pero hindi naman ako nawawalan ng TV project po sa ABS-CBN. Ang dami ko na pong nagawa like Mutya (2012), Ikaw Ay Pag-ibig (2011), Pintada (2012), All Of Me (2015), at TV guestings pa.

“Kaya first movie ko talaga ito, tapos under Regal pa and with Papa P pa, kaya talagang dream come true po for me,” masayang sabi ng aktres.

Hindi nakapaglibot sa New Zealand ang cast ng “Once In A Lifetime” dahil nasa Queenstown lang daw sila kung nasaan ‘yung may snow.

“Doon lang po kami sa pinaka-province roon kasi iyon na lang ang may part na may snow, ‘yun ang pinakaimportanteng shots kasi kailangan sa concept, northern life na may snow. Actually patapos na rin ang snow nu’ng paalis po kami,” kuwento ni Yeng.

Tinanong namin kung ano ang kuwento ng “Once In A Lifetime” at bakit sila kailangang magpunta pa ng New Zealand at sino ang tagaroon?

“Si Piolo po ‘yung taga-New Zealand talaga and ang character ko naman po, pumunta ako roon para hanapin ang mother ko and siyempre nagkakilala kami ni Piolo at doon na mag-start ang story namin,” bahagyang kuwento ni Yen.

Ano naman ang papel ng Kapamilya child star na Raikko Mateo na nakasama rin nila sa New Zealand, “Si Raikko, hindi ko po alam kung puwede na siyang i-reveal kung ano ‘yung magiging papel niya,” say ni Yen.

Hindi rin inamin ni Yen kung naging mag-asawa sila ni Piolo sa kuwento o hanggang boyfriend at girlfriend lang.

“Hindi pa po namin alam, kasi hanggang New Zealand pa lang ‘yung alam kong story, dito po (sa Pilipinas) kasi made-develop lahat pati ‘yung kissing scene, dito po kukunan,” kuwento ng dalaga.

Dahil may kissing scenes sila ni Papa P ay tinanong si Yen kung anong paghahanda ang gagawin niya.

“Ha-hahaha! Magtu-toothbrush, magmumumog ng Listerine! Ha-hahaha!” tumatawang sabi ng dalaga.
Nabanaggit pa ni Yen na noong nagkita raw sila ni Piolo ay talagang na-starstruck siya at hindi kaagad nakapagsalita. Pero nakapag-bonding na raw sila sa New Zealand.

“Kampante na po ako ngayon, kasi dati talagang inaatake po ako ng nerbiyos, kasi siyempre, Piolo Pascual ang kasama ko, ibang level na talaga,” say ni Yen.

Sabi pa ni Yen, hindi niya alam na si Piolo ang magiging leading man niya sa movie dahil nu’ng nag-meeting daw sila sa Regal Films ay wala pang sinabi sa kanya.

“Alam ko lang po may movie, pero hindi ko alam na si Piolo pala at ‘yung direktor ko sa All Of Me ay siya ring direktor ko pala sa first movie ko.

“Kaya nu’ng nagkita-kita kami, nagulat talaga ako, at hindi ako makapaniwala nu’ng kasama si Papa P, kasi Yen Santos lang po ako saka ultimate crush ko siya,” masayang kuwento ng dalaga.

Matagal na raw naririnig ni Yen ang concept ng pelikula kay direk Dondon Santos noong sinu-shoot pa nila ang All Of Me at nakikinig naman siya at ang sabi lang daw niya, ‘‘‘Maganda ‘yang concept mo direk, push mo ‘yan.’

“Saka hindi ako nagtatanong kung sino ang mga artista, pero hindi naman niya sinabing ako ‘yun, so parang naririnig ko lang.

“Yung anak ko po kasi sa All Of Me na si Ivan, parating tinutukso ni direk na sabi niya, ‘O, pakabait ka kasi pag nagkataon isasama kita sa Alaska.’ Kasi po dapat sa Alakas ka kami.

“Kaya nagulat ako nu’ng meeting at dumating nga si direk Don, sabi ko nga, ‘O, direk, ikaw pala direktor dito?” kuwento ng dalaga.

Inamin din ni Yen na may hesistation siya bilang leading lady ni Piolo dahil, “Kasi po lahat halos ng kapareho ni Papa P, aktres nang matatawag, ako sino ba naman ako.

“Nakapareha na niya sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Sarah Geronimo, kaya sabi ko, sino ba naman ako kaya lagi kong tanong, kakayanin ko ba ito?”

Samantala, wala pang playdate ang “Once In A Lifetime” na co-produced din ng Spring Films at Star Cinema.

Read more...