Kathryn rarampa sa Thailand para sa bagong TV commercial

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

PALABAS  na kami ng Dolphy Theater sa ABS-CBN noong bumati sa amin at iba pang members ng press na um-attend ng presscon ng latest Star Cinema movie na “Barcelona” ang ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min.

Taliwas sa reaksyon ng ibang fans ng KathNiel na nakukulangan sa promo ng “Barcelona” compared sa teleserye ng JaDine loveteam, maayos ang paliwanag ng ina ni Kathryn tungkol dito. According to her, Star Cinema still has enough time para bugbugin sa promo ang movie ng kanyang anak at ni Daniel Padilla

Sa Sept. 14 pa naman daw ang showing ng “Barcelona” at marami na rin ang mga naglabasang promo materials ang Star Cinema. But on Thursday, lilipad naman pa-New York, USA ang KathNiel para sa ASAP concert at siyempre promo na rin ‘yun for “Barcelona.”

After that, ‘di pa muna babalik ng bansa si Kathyrn dahil didiretso siya sa Thailand for a TV commercial shoot. Pero babalik ng Pilipinas si Kathryn four days before ng showing ng movie nila ni Daniel.

Ang “Barcelona” ang first movie ng KathNiel with Direk Olive Lamasan na siyang naghatid sa atin ng mga blockbuster films like “Starting Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, “Milan” ni Piolo Pascual with Claudine Barretto at marami pang iba.

Makakasama rin sa “Barcelona” sina Aiko Melendez, Joshua Garcia, Ana Capri, Ricky Davao at marami pang iba.

Read more...