Alden: Maine, mahal mo ba ‘ko? Mahal kita!

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAGSIGAWAN at kilig na kilig ang mga ng host ng Eat Bulaga at studio audience bago matapos ang episode kahapon ng kalyeserye nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Sa wakas ay official nang magdyowa sina Yaya Dub at Alden! Sa episode kahapon ng kalyeserye ay nagpahayag na ng kanilang feelings ang dalawa para sa isa’t isa.

“Maine, tinatanggap mo ba ako? Mahal mo ba ako? Mahal kita!” ang diretsong tanong ni Alden sa dalaga.

Sinagot naman ito ni Maine ng, “Oo Alden mahal kita.” Nagyakap ang dalawa nang mahigpit. Naluha pa nga si Yaya Dub pagkatapos umamin on national television sa tunay niyang nararamdaman para kay Alden.

Ito’y bahagi pa rin ng 59th weeksary ng AlDub sa kalyeserye.

At dahil nabitin ang istorya hindi na natanong ng mga lola at ng mga host ng Eat Bulaga kung akting lang ang lahat para sa kalyeserye o totohanan na.

Pero base sa mga ipinost na mensahe ng mga fans nina Maine at Alden sa social media pagkatapos ng kalyeserye, mukhang umaasa talaga ang mga ito na totohanan na ang nararamdaman ng dalawa para sa isa’t isa.

Siguradong tatatak na naman ang Sept. 1 para sa AlDub Nation – ang petsa kung saan unang sinagot ni Maine si Alden. Narito ang ilang reactions ng AlDub fanatics.

“What a way to start our BER month! Yahoooo! Official na sila!”

“Congrats! Masaya kami para sa inyong dalawa! mahal na mahal din namin kayo!”

“Waaaaa! Hindi ko kinaya! Mamamatay na ko!”

“You both cried, we all cried with you. Unto forever loves.”

“Juice ko ang HEART KO! kALA KO KAKAYANIN KO! Kundi ko itinabi ang car maaaksidente ako dito!”

Read more...