Dalawa ang BF, Sino ang pipiliin? (2)

Sulat mula kay Andrea ng Alfaro St., Tetuan, Zamboanga City
Problema:

1. Sa edad ko pong 27 na sa darating na October 9, gusto ko na sanang mag-asawa, ang kaso dalawa ang boyfriend ko ngayon, kaya nalilito ako kung sino ang dapat kong piliin sa kanilang dalawa.
2. Ito ang dahilan kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, upang itanong kung sino ba sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at dapat na piliin kung sakaling ako ay mag-aasawa na? November 17, 1988 ang birthday ng unang boyfriend ko habang January 23, 1989 ang birthday ng ikalawa.

Umaasa,
Andrea ng Zamboanga City

Problema:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo ang isinilang sa zodiac sign na Aquarius, tiyak ang magaganap, sa ayaw at sa gusto mo, siya ang pipiliin mong mananatili at sa bandang huli siya na rin ang nakatakda mong mapapangasawa.

Numerology:
Ang birth date mong 9 ay nagsasabing higit mong katugma at ka-compatible ang lalaking may birth date na 23, kung ikukumpara sa lalaking may birth date na 17. Ibig sabihin ang pagsasama ng birth date mong 9 at birth date niyang 23 ay sadyang itatala na magiging maligaya at masagana.

Physiognomy:
Samantala sa pag-aanalisang may kaugnayan sa body physique sinasabing ang lalaking mapapangasawa mo ay may kayumangging kulay ng balat, hindi masyadong kaguwapuhan, medyo matigas o kulot ang buhok at mas matanggakad sa iyo.

Huling payo at Paalala:
Andrea ayon sa iyong kapalaran hindi ka na mahihiran pang mamili sa dalawang boyfriend mo basta’t sumunod ka lang sa pag-aanalisang inilahad na sa itaas. Tulad ng nasabi na, piliin mo ang lalaking isinilag noong January 23, 1989, sapagkat ang lalaking nabanggit ang ka-compatible mo, at hindi lang kayo tugma at compatible sa isat-isa, sa halip sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, sigurado na ang magaganap – ang itatayo nyong pamilya ay tuloy-tuloy na uunlad at habang buhay na magiging liligaya.

Read more...