Daniel: Pa-yummy na yuppie ako sa bagong movie namin ni Kathryn!

kathryn bernardo at daniel padilla

MATURE na ang roles nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa latest movie nilang “Barcelona” under Star Cinema.

“Alam mo sa mga KathNiel fans, magugulat at maninibago sila sa amin. Ang layo talaga. Ibang-iba ito sa ‘Crazy Beautiful You’ at ‘She’s Dating A Gangster’. Ang layo nito, ang layo ng characters namin dito.

Nandoon lahat, eh, pati posture, pati paglalakad, iba,” say ni Daniel. Maging sa looks ay ibang-iba ang binata, “Talagang iba dito. Parang yummy na yuppie,” he quipped.

When asked kung may kissing scenes sila ni Kathryn, Daniel dropped hints na meron, “Siguro ganito na lang. Ito na ‘yung mababalik namin sa five years na sumusuporta sa amin. Ito na siguro ang regalo namin.”

So, marami silang kissing scenes? Not wanting to divulge a anything, Daniel said, “I think dapat nating panoorin.” Was it a one-take kissing scenes or marami? Still, Daniel wants to have mystery, “Ayoko munang magsalita. Baka naman masyado silang mag-expect. Panoorin natin.”

Read more...