James, Nadine todo pa rin ang mga halikan sa bagong serye; may sorpresa sa mga bading

nadine lustre at james reid

SPEAKING of James Reid and Nadine Lustre, tinanong din sila sa grand presscon ng Till I Met You kung ano nag unforgettable memories nila sa Greece kung saan kinunan ang ilang mahahalagang eksena nila.

“Most memorable ko po ay ‘yung last taping day namin sa Santorini. ‘Yun po ‘yung time na patapos na kami, tapos po, nanood kami ng sunset. Tapos, parang sobrang sarap lang po ng pakiramdam na parang, ‘guys, we did it!’ Natapos po namin, nagawa po namin lahat ng eksena.

“Parang time na to relax, tapos pinanood lang namin ‘yung sunset, lahat po kaming naiwan do’n. Ang ganda po talaga, iba po talaga. Tapos pag lalabas na po ‘yung moon, ang laki ng moon, para siyang cheese.

“Basta, ang ganda po. Ibang klase po talaga do’n. Kaya naman pala parang sinasamba ng mga Greek ‘yung sun and moon na parang Gods. Ibang klase po talaga ang ganda,” paglalarawan ni Nadine.

Sabi naman ni James, “Yung sunset din po. When it sets, parang sobrang mabagal at may kasamang applause from everyone. It’s an unforgetabble experience. It’s supposed to be like thanking the sun, something like that.”

Samantala, pawang sa kilalang tourist spots ng Greece nag-shooting ang Till I Met You, marami rin daw pa-abs si James dito na siguradong ikatutuwa ng mga beki niyang fans.

Read more...