Piolo suportado rin ang anti-drug campaign ni Duterte; never nakatikim ng ilegal na droga

piolo pascual

AGREE rin si Piolo Pascual sa voluntary drug test para sa mga artista, singers at iba pang personalidad sa mundo ng showbiz. Malaking tulong daw ito sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sey ni Piolo sa panayam ng ABS-CBN, “I guess at the end of the day magnified ang showbiz eh. So as much as it can be voluntary, it can just be random. So I think we have to do what we have to do as citizens, not just because we are from showbiz.

“We have to walk the talk and be a good example. So just the same, gagamitin nila ang showbiz para ipakita sa tao kung anong mali sa tama. Nasa tao na rin naman yun if you want to submit to it, pero we have a battle cry eh.

“The government has a battle cry and we just have to support that and if we love our nation and gusto natin ng growth, we have to abide by it,” sey ni PJ.

Hindi rin daw siya nagkukulang sa pagpapaalala sa kanyang anak na si Inigo tungkol sa droga, “I always tell him of course as a father alam mo naman talaga na hindi puwedeng hindi mo sabihan ang bata.

“Hindi puwedeng hindi mo bigyan ng advice pero at the end of the day sa kanya pa rin naman yung choice eh. Pero siyempre hindi ako mawawala at hindi ako titigil sa pag-advise sa kanya,” aniya pa.

Taas-noong ipinagmamalaki ni Piolo na sa loob ng dalawang dekada niya sa showbiz, napanatili niya ang pagkakaroon ng drug-free life.

Read more...