90-day session sa dialysis hatid ng PhilHealth

ISANG pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay isang empleyado ngunit dahil sa sakit kong diabetes ay nagkaroon ng kumplikasyon sa aking kidney kaya ako ngayon ay nagda-dialysis na.

Ask ko lang ilan ang coverage ng PhilHealth at pagtapos ba nito saan pa pwedeng lumapit para sa pagpapatuloy ng aking dialysis? Thank you very much and more power!
Carmen Rosales

REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na nagbibigay po ang PhilHealth ng 90 days na session para sa dialysis. Kung naubos na po ang 90 days session para sa paga-avail ng dialysis na allowed po sa inyo para sa isang taon, maaari po ninyong magamit ito sa susunod na taon. Ngunit kung ito po ay kakailanganin n’yo ngayon, maaari rin kayong lumapit sa ibang government agency tulad ng SSS o GSIS (kung kayo ay empleyado ng gobyerno) at PCSO dahil may tulong din po silang inaabot gaya ng PhilHealth.

For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.

For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph

Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...