KathNiel handa nang magpa-drug test

kathryn bernardo at daniel padilla 1

Bukod kay Piolo, handa ring magpa-drug test sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ito’y matapos ngang magnegatibo sa voluntary drug test ang ilang Star Magic artists, kabilang na sina Jake Cuenca, Enrique Gil at Diego Loyzaga.

“Kami suportado namin ‘yon, para ma-clear, para alam na talaga ng mga tao. I think okay na din siyang way para masagot ‘yung mga tanong nila,” ani Kathryn nang makorner ng ilang reporter pagkatapos ng “Barcelona” grand presscon ng Star Cinema kahapon na showing na sa Sept. 14.

Sey naman ni DJ, “Kung ano ang makakabuti sa bansa natin, ‘yun na lang.” Pero ani Daniel, mas mabuti kung huwag munang pangalanan ang mga artistang gumagamit ng drugs tulad ng suhestiyon ng kanyang uncle na si Robin Padilla.

“Sabi nga niya huwag daw nga munang pangalanan. I think huwag muna dahil baka may madamay na naman tayong hindi naman talaga gumagamit or nagtutulak, hindi ba kawawa din naman. Siguro pag-isipan pa nila or siguraduhin,” pahayag pa ng Kapamilya aktor.

Read more...