Solenn Heussaff certified exhibitionist; ipinagyabang ang pwet

solenn heussaff

NINANAMNAM talaga ni Solenn Heussaff ang mga gusto niyang gawin bago siya magpabuntis sa asawang si Nico Bolzico. Two years ang kanyang inilaan para ma-enjoy ang married life bago magbuntis ayon sa huli naming panayam sa kanya.

Sa nakaraang posts ni Solenn sa kanyang Instagram account, ibinuyangyang niyang muli ang hubo’t hubad niyang katawan, huh! Biro nga niya noon, isa siyang certified exhibitionist!

May post pa siyang labas ang puwet habang nakasandal sa isang puno (ng niyog) na tanging hat lang ang nakatakip sa kanyang harapan! Bahagi yata ng endorsement niya ang hat na ‘yon! Ha! Ha! Ha!

Pagdating nga lang sa fantaseryeng Encantadia, balot na balot ang drama niya bilang engkantada, pero sa sexy-comedy show na A1 Ko Sa ‘Yo palaban pa rin ang Kapuso sexy actress sa pagpapakita ng kanyang kaseksihan.

Read more...