” I wanna clear it once and for all. Hindi po ako gumagamit ng bawal na gamot at ni isang beses never po akong nagbenta ng kahit anong ipinagbabawal na droga,” sey ni Tim.”Hindi po ako nagtatago. Andito lang po ako sa Manila,” hirit ni Tim sa Bandera.
Paliwanag pa niya, nagtungo pa siya kay Mother Lily para advance na mabati Ito sa kanyang kaarawan noong isang lingo.”I went to Mother Lily’s birthday in advance to greet her so nung Friday I had another dinner appointment all the way in City of Dreams so malayo and traffic nung Friday, so I didn’t get to go anymore,” esplika pa ng celebrity host.
Nangangamba rin si Tim kung bakit kumalat yung balita na gumagamit siya ng droga at nagbebenta pa siya umano nito.
“Hindi ko alam kung bakit ako yung natuturo dito dahil walang katotohanan yang balitang yan. In fact, kung napanood po ninyo sa news, makikita nyo na kaakibat namin ang PNP at kaming mga bar owners ay nakikipag-cooperate sa gobyerno sa gera laban sa droga,” pahayag pa ni Tim.
Nanawagan din siya sa ilang grupo na tigilan na ang pagpapakalat ng balitang di totoo.
” So please sana tigilan na ito dahil hindi po ito biro at lalong hindi po ito totoo,” chika pa ni Tim.
Nauna nang kumalat ang chika na nagtatago raw si Tim, ayon na rin sa report ni Manay Lolit Solis sa DZBB program nina Arnold Clavio at Ali Sotto.
Diumano, nasa listahan ng PNP (na ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte) si Tim Yap ng mga pinaghihinalaang supplier ng party drug na ecstacy, ayon pa sa talent manager.
Pati associates ni Tim ay nababahala na sa balitang ito. Nakita namin ang TV host businessman nang pumunta sa Valencia Events Place a few days before ng birthday ni Mother Lily Monteverde nu’ng Aug. 19. Inakala niyang ‘yung araw na ‘yon ang party ng Regal producer.
Pero nu’ng araw mismo ng party ni Mother, hindi namin namataang dumalo si Tim. Hanggang sa kumalat na nga ang nasabing balita.
Samantala, hindi naman itinanggi ni Manay Lolit na nalulong sa drugs noon ang mga alaga niyang sina Christopher de Leon at Tonton Gutierrez. “Sumali sa Oasis si Boyet at si Tonton naman, iniwasan ang bisyo. Eh, nasa tao naman ‘yan, eh. Kung kaya nilang magbago, magagawa nila,” katwiran ng talent manager.
Tanong naman ni Igan sa talent manager kung nasubukan na nito ang magdroga? “Naku, sa tanda kong ito, never pa akong nakatikim niyan. Para na nga akong naka-drugs kung magbigay ng balita sa inyo.
What more kung naka-drugs ako. Baka mas marami pa akong masabi sa inyo! Babu!” paliwanag ni Manay Lolit.