Joshua Olivares waging The Voice Kids 3 grand champion

lea at joshua

ITINANGHAL na The Voice Kids Season 3 grand champion ang “anak” ni Coach Lea Salonga na si Joshua Olivares matapos ang ginanap na finals night ng number one singing talent search ng ABS-CBN.

Si Joshua ang nakakuha ng pinakamataas na text votes (38.07%) mula sa madlang pipol dahil na rin sa napakagandang version niya ng “Salamat” ni Yeng Constantino. Bukod sa The Voice Kids’ plaque, nag-uwi rin ng P1 million cash ang bagets, plus a recording contract, a house and lot, a fashion package and a trust fund worth P1 million mula sa mga sponsor ng show.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Joshua na lahat ng perang napanalunan niya ay kanyang iipunin, ang iba raw ay ibibigay niya sa kanyang magulang at mga kapatid. “Wala na po akong ibang naisip nu’ng tinawag ‘yung pangalan ko. Basta masaya lang po ako. Sa sobrang tuwa ko po, napaluhod pa po ako,” sey ng bata.

“Masaya po ako dahil po ako po yung nakatanggap ng bahay, ng pera at ng trophy po. Malaking tulong po ito sa amin. Tutulungan ko po yung pamilya ko,” aniya pa. Pumangalawa sa laban si Antonetthe Tismo from Coach Sharon Cuneta na nakakuha ng 36.69% public votes habang si Justin Alva naman mula kay Coach Bamboo ang ikatlo with 25.24% boto.

Ayon naman sa nanay ni Joshua, lahat ng napanalunan ng anak ay ilalaan niya sa kinabukasan ng mga bata, “Para sa kanila lahat ‘yun. Iipunin ko lahat para sa pag-aaral nila.” Sinabi pa nito na lilipat na silang lahat sa Maynila para matutukan ang magiging singinmg career ng anak. Kasabay nito, abot-langit din ang pasasalamat niya kay Coach Lea.

“Sobrang galing po ni ma’am Lea. Maraming maraming salamat po dahil tinulungan niya yung anak ko. Lahat ginawa niya kaya nakapasok siya sa finals,” sey pa ng nanay ni Joshua.

Read more...