Promise ni Sunshine kay Alden: Wag kang mag-alala palagi kitang ipagtatanggol!

sunshine dizon at alden richards
NAGPASALAMAT ang mga fans ni Alden Richards kay Sunshine Dizon dahil sa pagtatanggol nito sa Pambansang Bae laban sa mga bashers. Kung matatandaan nag-tweet si Sunshine last week at pinuri-puri si Alden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago, sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan.

At kamakailan lang ay muling nag-tweet ang Kapuso actress, nakikiusap ito sa mga netizens na itigil na ang pambabastos sa mga artista na wala namang ginagawang masama sa kanila. “Be the bigger person, itama lang natin ang mali. Pls do not resort to bashing other artists involved pretty sure they know nothing bout it. Be the bigger person,itama lang natin ang mali,” ani Sunshine.

Dito nag-comment ang ilang supporters ni Alden at nag-thank you kay Sunshine dahil sa pagtatanggol nito sa binata. Na sinagot naman ng aktres ng, “Thank you also for the kind words. I consider him like my little brother and i will always have his back.”

Samantala, muling magkakatrabaho ang dalawa sa fantaseryeng Encantadia dahil papasok na nga ang karakter ni Alden bilang isang Mulawin. Gumaganap naman si Sunshine bilang Adhara sa serye. Huling nagkasama ang dalawa sa seryeng Mundo Mo’y Akin noong 2013.

Read more...