JC Santos na-shock nang makapasa bilang ‘third party’ sa bagong teleserye ng JaDine

jc santos

SIGURADONG pag-uusapan at magiging kontrobersyal ang role ng indie actor na si JC Santos bilang “third party” sa tambalang James Reid at Nadine Lustre sa bagong Primetime Bida series na Till I Met You under Dreamscape Entertainment TV.

Nagsimula na ito kagabi kaya sure na sure kaming natikman n’yo na rin ang unang pasabog na kilig ng JaDine. Pero bago ipalabas ang pilot episode nu’ng Lunes, nagkaroon muna ng special celebrity screening ang Till I Met You sa Trinoma cinema na talagang dinumog ng sandamakmak na fans nina James at Nadine.

In fairness, naging maganda rin ang pagtanggap ng JaDine supporters kay JC Santos kahit na nga alam na ng lahat na siya ang “manggugulo” sa tambalan ng reel and real life sweethearts. Sa grand presscon ng Till I Met You last Sunday, inamin ni JC na talagang nag-audition siya para sa role na Alejandro o Ali, ang common friend ng karakter nina James at Nadine.

“There was this one day na in-invite po ako para mag-audition for this role. Nilatag po sa harapan namin ‘yung requirements. Marami kami. On the second day, na-meet ko na si direk Tonet and binigay na sa akin ‘yung script,” ani JC na nagsimula nga sa pagbibida sa mga indie movies, kabilang na ang Cinema One Originals na “Esprit de Corps”.

Na-shock din daw ang binata nang malamang hindi lang siya magiging kontrabida sa serye kundi magiging isa rin siya sa lead stars ng programa, “Actually nu’ng time na ‘yun, iniisip ko nga okay na ako kung aawayin ko lang si James dito sa serye.

“Gulat na gulat po ako at hindi ako makapaniwala na isa ako sa mga bida. Nagpapasalamat po ako sa pagtitiwala talaga. Punong puno ang puso ko ngayon,” aniya pa.

Para sa lahat ng hindi pa nakakaalam, nagsimula si JC bilang theater actor sa UP-Diliman hanggang sa maging singer at dancer sa Hong Kong Disneyland at Universal Studios Singapore. Nagpunta rin siya sa New York para mag-aral ng musical theater.

Noong 2014, nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang passion sa acting, “Gusto ko po kasi maging working actor talaga sa TV and also sa film. Lagi po akong nag-a-audition. Kung alin po ‘yung mauna, doon lang po ako.”

Ang blockbuster director na si Antoinette Jadaone ang nasa likod ng Till I Met You na siya ring nagdirek ng huling serye ng JaDine na On The Wings Of Love. Makakasama rin dito sina Carmina Villaroel, Pokwang, Angel Aquino, Zoren Legaspi at marami pang iba. Napapanood ang Till I Met You pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Read more...