Presyo ng langis tataas bukas

oil
MULING magpapatupad ng oil price hike ang ilang kompanya ng langis bukas.

Ito na ang ikatlong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Papangunahan ito ng Flying V, kung saan nasa P0.50 ng presyo ng gasolina kada litro, P0.15 sa diesel at P0.20 kada litro naman sa kerosene at epektibo ito ngayong alas-12:01 ng madaling araw.
Nakatakda ring sumunod ang Pilipinas Shell, Seaoil, Eastern Petroleum at Phoenix Petroleum, na may kahalintulad na halaga at epektibo naman ito ngayong alas-6:00 ng umaga.
Inaasahang susunod na ring magtataas ang iba pang oil company tulad ng Total Philippines.
Nabatid, na ang dagdag  presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa world market.
Matatandaan,  huling nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis ay noong isang linggo.

Read more...