Allan K, Christian, Aicelle versus Aga, Vice, Yeng, Sandara

MAY bagong reality show ang GMA 7 na nagtatampok kina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Allan K at Aicelle Santos.

Mga magka-duet ang maglalaban-laban. Sa short article sa isang Facebook fan page ay ginamit ang term na “superstar judges” patungkol kina Allan K, Aicelle at Christian. Doon na nagtaas ng kilay ang mga tao sa social media.

“Superstar judges talaga? What? Di nga sila kilala sa ibang bansa eh tapos sa Pilipinas bilang lang ang nakakakilala sa kanila. Sa ABS-CBN bongga talaga ang mga judges may sandara park na kilala sa buong bansa.” “Natawa naman ako…sabi kilalanin ang mga totoong superstar judges tapos si christian bautista lang ang may title..hahaha.”

“Wow!!!! Da who sila? Hahahahha joke ba yan? Superstar? Hahahaha drawing na naman?” “Akala ko naman sila ang contestants. Judge level pala sila. E panu pa kaya ang mga sasali. Hahaha goodluck!”

Parang pinalalabas na walang kalaban-laban sina Christian, Aicelle at Allan K sa mga judges naman ng Pinoy Boyband Superstar na kinabibilangan nina Vice Ganda, Aga Muhlach, Yeng Constantino at Sandara Park.

Read more...