Morissette 2 taon pa lang bumibirit na; isinapuso ang lahat ng payo ni Sarah G.

morissette amon

LUTANG na lutang sa singing style ni Morissette Amon ang musical influence ng kanyang idol at dating coach sa The Voice na si Sarah Geronimo at proud na proud naman ang dalaga rito.

Marami ring nagsasabi na kamukha ni Morissette ang Pop Princess kaya hindi talaga maiwasan na maikumpara sila mula sa pagkanta hanggang sa itsura.

“Of course I’m flattered. I still call her coach kahit ayaw niya. Ako hindi ako nao-offend when people say na parang ka-style ko si coach Sarah kasi siya ang musical influence ko ever since at si Ms. Regine Velasquez,” paliwanag ng isa sa Birit Queens ng ASAP.

Sa isang nakakatuwang episode na puno ng kantahan, hugutan at kulitan ng ShowbizLive hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla (na napapakinggan at napapanood sa Inquirer.Net, Inquirer Radio/TV, Bandera Facebook Live at sa ABS-CBN TV Plus every Wednesday 8 p.m.) game na game na ipinarinig ni Morissette sa lahat ng mga tagapakinig ang kanyang singing prowess. Napahugot pa nga niya ang mga fans at ang mga host (watch niyo sa replay sa Bandera Facebook page) sa kanyang performance.

Ayon sa Kapamilya singer, dalawang taong gulang pa lang ay kumakanta na siya at parte na ng kanilang pamilya ang musika. Ang unang kantang natutunan niyang ibirit ay ang “You Are My Song” ni Regine Velasquez.

Determinado na talaga siyang maging singer kahit noon pa. Bukod sa pagiging kontesera, ay araw-araw din siyang nagpapraktis para ma-stretch ang boses niya. At dahil nga maraming sinalihang singing contest noon sa Cebu kung saan siya lumaki ay talagang nahasa nang todo ang boses niya.

Kung matatandaan, nagsimula si Morissette sa talent search na Star Factor sa TV5, kung saan siya ang naging first runner up at nagkaroon ng exclusive contract sa Kapatid network. Pero nagdesisyong umalis sa TV5 para sumali sa The Voice ng ABS-CBN. Aniya, big risk ang pag-alis niya sa TV5 para mag-join sa The Voice.

Dito na nga niya nakasama si Sarah G na naging importanteng bahagi ng kanyang career. Natatandaan pa ni Morissette ang napakaimportanteng advice ng kanyang coach. “To sing from the heart kasi po ako yung, I have the tendency na very strict ako sa notes. Yung nakakalimutan ko yung puso sa kanta. Yun yung biggest advice ni coach sa amin,” aniya.

At para ipakita ito, ibinirit niya ang bagong reendition ng “Akin Ka Na Lang”, na naging theme song noon ng seryeng Pasion De Amor. Speaking of birit, isa nga si Morissette sa Birit Queens ng ASAP kasama sina Jona, Angeline Quinto at Klarisse de Guzman.

Natuwa ang dalaga nang sabihin ng mga host na isang factor din kaya tumataas ang rating ng ASAP ay dahil sa kanila. Pero nakaka-pressure rin daw ito dahil ine-expect ng lahat na laging may birit tuwing kakanta siya.

Wala ring sapawan na nagaganap sa kanilang apat dahil may kanya-kanyang time naman sila para mag-shine, “And pag collaboration na we make sure na nagbe-blending kami,” anang dalaga.

Pero may time ba na meron siyang naka-duet na talagang nakipaglabanan sa kanya on stage? “Meron po meron talaga. I think its because they just want to make the most of their time sa stage. I understand naman.”

Open din si Morissette sa acting at sa pagkakaroon ng ka-loveteam kung sakaling mabibigyan siya ng chance na makagawa ng teleserye o pelikula. Sey nga niya inspired siya sa mga pambatong tambalan ng Kapamilya network – ang KathNiel, JaDine at LizQuen.

At para naman sa mga hindi pa nakakaalam, marunog ding sumayaw si Morissette. Humahataw din siya on stage kaya talagang total performer na rin ang Birit Queen.

Read more...