TV host-VJ bading daw, laging sweet sa ka-date na foreigner

BLIND ITEM MAN 0220

“BADING ba si ____ (kilalang TV host/VJ), kasi lagi siyang may kasamang male foreigner?” Ito ang tanong sa amin ng ilang kaibigang walang konek sa showbiz.

Actually, hindi pamilyar sa amin ang pangalang binanggit dahil hindi pa naman siya ganu’n kasikat, bago pa lang pero marami na siyang nagawang show at pelikula.

Binalikan namin ng tanong ang aming kaibigan kung bakit naman niya naisip na bading ang TV host/VJ porke may kasama lang na lalaking foreigner.

“Dito sa Morato sila madalas, parang iba kasi ‘yung samahan nila, kasi kung magkaibigan lang, kailangan pa bang pagsilbihan kapag kakain sila? Tapos wino-walk nila ‘yung doggie nila, gabi na ‘yun. Hindi naman sila napapansin ng tao,” kuwento sa amin.

Sa totoo lang wala naman kaming naririnig na gay ang TV host/VJ o baka hindi lang nakakarating sa amin.

“Feeling ko gay siya, basta malakas ang pakiramdam ko. Siyempre it takes one to know one, di ba?” diin pa ng aming kausap.

Read more...