James suportado si Duterte sa anti-drug campaign; handa nang magpa-drug test

 

SUPORTADO ni James Reid ang mas tumitindi pang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra ilegal na droga at handa rin daw siyang magpa-drug test anytime.

Ayon kay James, wala siyang nakikitang masama sa ginagawa ni Duterte para mawasak ang lahat ng sindikato ng droga sa bansa, para rin daw ito sa kapakanan ng bansa, lalo na sa mga kabataang Pinoy na nasisira ang kinabukasan dahil sa pagiging drug addict.

“I guess it’s all for the better, so I don’t see any problem with that,” chika ni James sa panayam ng ABS-CBN. Hindi rin daw siya natatakot kung magkaroon ng random or mandatory drug testing sa mga young showbiz personalities, lalo na yung mahilig sa party at music festivals.

“I love going to festivals, I love partying. I guess I have nothing to be afraid of if I don’t do anything wrong,” sey pa ni James na bibidang muli sa bagong serye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na Till I Met You with Nadine Lustre. Magsisimula na ito sa Lunes, Aug. 29 sa Primetime Bida.

“Drug test? Of course, yeah. I’ve heard that’s already happening. I guess that’s all for the better,” dagdag pa ng binata. Sey pa ng hunk actor, tama rin ang sinabi ni Robin Padilla na huwag na munang pangalanan ang mga artistang adik sa drugs at makipag-dialogue muna sa PNP.

“I think Robin Padilla already spoke out, saying na to think about talking to them first before, like, ruining people’s lives. I think I’m more in favor of that,” ani James. Samantala, kalat na rin ang balita na isa si James sa mga pinagpipilian ng Viva Films para magbida sa remake ng Pinoy superhero movie na “Pedro Penduko”.

Payag na payag daw si James na gampanan ang nasabing karakter, “I also heard that. But we will see. I like the idea. It will be fun.”

 

Read more...