Deniece youth ambassador na; excited makilala si Aiza

deniece cornejo at aiza seguerra

KUNG maraming nam-bash kay Deniece Cornejo matapos italagang youth ambassador ng isang grupo, meron din namang nagtanggol sa dalaga na naging kontrobersyal dahil sa iskandalong kinasangkutan nila noon ni Vhong Navarro.

Si Deniece ang napili bilang Ambassador of Goodwill ng Mindanao-based international group na The Chivalric Order of the Royal House of Baloi. Isinusulong ng mga miyembro nito ang mga karapatan at interes ng kabataan.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Deniece, sinabi nitong dedma na siya sa mga bashers. Dapat daw maging positive lagi ang pananaw niya para maging successful ang mga proyekto nila.

Paliwanag pa niya, hindi naman daw basta na lang siya pinili para sa nasabing posisyon, “There’s a criteria, Chapter Vice-President of Junior Chamber Philippines. We did an event for National Congress for young Filipinos during the election, volunteers against crime and corruption. Kailangan talaga you have a strong will how to handle stress.”

May tie-up din daw ang kanilang organisasyon sa National Youth Commission of the Philippines, chika ni Deniece, “I cannot wait to meet Honorable Aiza Seguerra. My aim is to empower youth from all walks of life,”

Nang tanungin tungkol sa kasong isinampa ni Vhong laban sa kanila ni Cedric Lee, tumanggi nang magkomento ang dalaga.

Read more...