SA isang concert ng isang grupo ng magagaling na singers ay kapansin-pansin na hindi talaga nagkakasundo ang dalawa nilang miyembro.
Malayo ang loob nila sa isa’t isa, palagi silang nagkokontrahan sa backstage, umaabot ang hindi nila pagkagusto sa bawat isa hanggang sa entablado.
Kuwento ng isang source na balikbayan, “Bakit ganu’n, bakit parang nagkokontrahan sina ____at ____ (pangalan ng dalawang popular na miyembro ng grupo)? Halatang-halata kasi ‘yun habang nagpe-perform sila.
“Ang ibang kasamahan nila, e, okey naman, parang wala namang problema, pero ang dalawang ‘yun, bukod sa hindi na sila nagtatabi sa stage, e, nagbabarahan pa sila sa entablado!
“Hindi nila maiiwasan ang medley, puro mga songs nilang pinasikat ang repertoire nila. Sabi ba naman ni ____ (ang may katandaan nang miyembro ng tropa) kay ____ (ang male singer na may anak ding singer na girl), ‘O, ikaw na, kainin mo na ang microphone!’
“Halatang-halata na kontra-pelo sila, parang may something sa kanila, mahahalata mo ‘yun bilang manonood, e. Parang meron talaga,” kuwento ng balikbayan naming impormante.
Ang kuwento ay nakumpirma ng aming source pagkatapos ng kanilang concert dahil nagkuwento sa kanila ang isang kababayan na-ting na-assign sa backstage habang tumatakbo ang programa ng grupo.
Patuloy ng aming source, “So, totoo nga palang hindi nagkakasundo ang dalawang male singer na ‘yun! Kahit pala sa backstage, e, hindi rin sila nag-uusap, nagdededmahan lang pala sila!
“May sariling mundo si Singer A, may kaa-ngasan naman si Singer B, kaya talagang hindi sila magkakasundo!
“Naku, Bradly Guevarra, may something nga sa pagitan ng dalawang male singers na ‘yun! Hindi naman sila puwedeng kumuha ng panakip-butas kay Singer A, kapalaran na talaga nilang magsama sa isang grupo dahil mabenta sila!” pagtatapos ng aming source na may kakambal nang clue.