Bistek, utol na si Hero kinasuhan dahil sa droga

KINASUHAN si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Office Ombudsman ng dishonesty at neglect of duty dahil sa talamak na droga at pagbagsak ng kanyang kapatid na si Councilor Hero Bautista sa drug test para sa mga opisyal ng gobyerno.
Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) lumabag ang magkapatid sa Executive Order 292 o Administrative Code for dishonesty, neglect of duty, misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of service as public official.
 
Sa isang panayam, sinabi ni VACC Chairman Dante Jimenez  na dapat managot si Bautista sa problema ng droga sa lungsod at maging ang sunod-sunod na pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug pusher.
 
Idinagdag ni Jimenez  na nagbubulag-bulagan si Bautista sa kabila ng pagkakalulong ng kapatid sa droga.
Samantala, sinabi ni Jimenez na dapat nang magbitiw sa puwesto si Councilor Bautista imbes na magbakasyon lamang ng isang buwan matapos bumagsak sa drug test. 

Read more...