Bea sa relasyon nila ni Gerald: Wag nating pangunahan!

bea alonzo

UMAMIN na si Bea Alonzo na she’s going out with Gerald Anderson. “We are going out. Ang hirap iproseso. We are just really enjoying. Huwag natin pangunahan. Parang right now, we are really enjoying each other’s company,” say niya sa isang interview.

“Lagi kaming nagkikita. Masaya kapag nagkikita kami. Hanggang doon muna I guess. Kung magiging kami, hindi ko alam. Mababalitaan n’yo agad-agad. I promise you,” dagdag pa niya. Actually, it is the second time around for ex-lovers.

Naging magdyowa sila noon but the relationship proved to be EPHEMERAL. Matindi ang pressure sa kanila noon. Bash ang inabot ni Bea mula sa fans ni Kim Chiu kaya naman nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa. Ngayong pareho na silang single uli, mukhang mauuwi na naman sa relasyon ang dalawa.

Nag-start uli ang magandang relasyon nina Bea at Gerald when they did the movie “How To Be Yours” na humataw din sa takilya. It has been months na walang karelasyon si Bea at si Gerald naman ay taon na yata ang binilang sa split nila ni Maja Salvador na nali-link naman ngayon kay John Lloyd Cruz.

Read more...