Sigaw ng anak ni Mega: AlDub for life!

frankie pangilinan

Isa rin palang certified AlDub fan ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie. Ibinandera ng dalagita ang kanyang paghanga kina Maine Mendoza at Alden Richards sa pamamagitan ng Twitter.

Ipinost ni Frankie ang selfie photo nila ni Alden sa Twitter na kuha nang mag-guest siya sa Eat Bulaga last Saturday kung saan kinanta nito ang acoustic version ng “Mr. DJ” na unang kinanta ni Mega.
Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Aldub for life, yas! So happy OMG.”

May isang netizen ang nagsabi na sayang nga raw at wala si Maine nang pumunta sa Eat Bulaga si Frankie na sinagot naman ng dalagita ng, “I love her so much!!!”

Read more...