Malapit ng tumandang dalaga, makapag-aasawa pa ba? (2)

Sulat mula kay Dorie ng Sto Nino, Lapasan, Cagayan de Oro City
Problema:
1. Mula ng mag-college ako at nakatapos ng college at ngayon ay may stable work na sa isang company na may kaugnayan sa telecommunication ay nagtataka ako sa akin love life kung bakit mailap sa akin ang mga lalaki, samantalang maganda naman ako. Isang beses lang ako nagka-boyfriend noong college ako tapos hindi pa seryoso. Sa ngayon ay umabot na tuloy ako sa edad na 37 at malapit ng tumandang dalaga kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung makapag-aasawa pa kaya ako?
2. Kung makapag-aasawa pa ako, kailan kaya ito magaganap at sino kaya ang lalaking mapapangasawa ko at kailan ko kaya siya makikilala? September 7, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Dorie Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at tuluyang mapapangasawa ay isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29 at magaganap ang inyong pagtatagpo sa isang lugar kung saan ka nagta-trabaho.
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn ang iyong mapapangasawa at siya ay makikilala mo sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre.
Physiognomy:
Ang chinitang hugis ng iyong mukha ay nagsasabing isang lalaking may balingkinitan ang pangangatawan na mas matangkad o mas mataas sa iyo ang iyong mapapangasawa, sa una hindi mo siya masyadong magugustuhan, ngunit habang naglalaon unti-unti na rin siyang mapapamahal sa iyo ng husto.
Color Test:
Upang lalo kayong suwertehin sa panahong kayo ay nagsasama na ng lalaking mapapangasawa mo, lagi kayong gumamit ng kulay na berde at pula. Sa nasabing kulay, tuloy-tuloy ang suwerte at pang habang buhay na ligaya.
Huling payo at paalala:
Dorie ayon sa iyong kapalaran, hindi ka maiinip, sa halip sa taon ding ito ng 2016 tulad ng nasabi na, darating na ang lalaking pinakahihintay mo at ito ay magaganap sa Oktubre sa edad mong 37 pataas, kung saan sa panahyong nabanggit kusang mabubuo ang isang mainit at maalab na suyuan na hahantong sa isang masaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Read more...