Bagyong Dindo sa Linggo lalabas

pagasa
Sa linggo inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Dindo.
      Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration mas lalong lumabas ang bagyo na ngayon ay umaabot na sa 160 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin.
      May pabugso itong umaabot sa 195 kilometro bawat oras at umuusad ng pitong kilometro bawat oras patungong timog kanluran.
     Kahapon ang sentro ng bagyo ay 1,005 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
     Bukas ang bagyo ay inaasahang nasa layong 945 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Itbayat.
     Sa Linggo ito ay nasa layong 1,345 sa silangan-hilagang silangan ng Itbayat o labas na ang PAR.

Read more...