Jobless nanalo ng P82M

      lotto for site
Bibili ng sariling bahay at lupa ang 29-anyos na lalaki na walang trabaho.
      Siya kasi ang nanalo ng P82.3 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Agosto 16.
     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay may-asawa at mayroong isang anak. Siya ay taga-Zambales.
     Siya ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 05-09-11-14-22-29 na lumabas sa naturang bola.
     Ang mga numero ay kinuha niya sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. May tatlong taon na umano siyang tumataya sa lotto.
      Bukod sa bibili ng ari-arian, magtatayo siya ng sariling negosyo at magtatabi para sa kinabukasan ng kanyang anak.

Read more...