Nakakapagod na ang pambebengga ni Presidente Duterte kay Sen. Leila de Lima na siyang laging laman ng Facebook page natin every minute of our lives.
Grabe ang ginagawang psy-war ni Digong kay Leila – ewan ko kung kailan ito hihinto. Nakakaramdam lang ako ng lungkot dahil everything is blown out of proportion na – not good for the country na kumbaga.
Napakaraming dapat asikasuhin ang bansang ito, hindi lang droga at bangayan. Sana ay mag-focus naman ang pamahalaan sa iba pang aspeto ng gobyerno. Habang nag-aaway silang dalawa ay napakaraming namamatay sa gutom.
Hoy, magsitigil na nga kayo! Ang dami pang “labahin” sa paligid. Huwag yung bangayan kayo nang bangayan, nakakahiya sa mga batang nagugutom. Nakakaloka ang dalawang ito! Hindi sa kampi ako kay De Lima pero pangit talaga sa isang lalaki ang nakikipagbangayan sa isang babae. It’s distasteful kahit saang anggulo mo tingnan.
Nasabi ni Digong na kinasuhan daw siya ni De Lima when he was still Davao City mayor while the lady senator was still DOJ Secretary? In short, this is obviously some kind of a vengeance na hindi dapat dahil ang nagsa-suffer dito ay ang taumbayan.
Pareho naman silang may maganda sanang adbokasiya lalo na on the eradication of drugs pero ayaw talagang tantanan ni Digong ang kinamumuhian niyang senadora. When will this end? WHEN?