Top spot asinta ng Arellano Chiefs kontra EAC Generals

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. Perpetual Help vs St. Benilde
4 p.m EAC vs Arellano
Team Standings: San Beda (10-2); Arellano (9-2); Perpetual Help (8-3); Mapua (7-4); JRU (6-5); LPU (5-6); Letran (5-6); EAC (3-8); San Sebastian (3-9); St. Benilde  (0-11)

MAKIKISALO sa liderato ang Arellano University Chiefs sa pagsagupa nito sa Emilio Aguinaldo College Generals habang pilit na lalapit sa unahan ang University of Perpetual Help Altas sa pagsagupa sa wala pa rin panalo na College of St. Benilde Blazers ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagtulong sina Jio Jalalon at Dioncee Holts para sa Chiefs upang biguin ang Blazers, 78-69, noong Biyernes upang masungkit ang ikaanim na sunod na panalo at ikasiyam sa pangkalahatan kontra sa dalawang talo.

Sakaling magwagi ito kontra Generals (3-8) ay didiretso ito sa unahan kasama ang San Beda Red Lions (10-2).

“We couldn’t let this chance pass up, we will definitely be going all out for a win,” sabi ni Arellano coach Jerry Codiñera.

Sina Jajalon at Holts ang inaasahang babantayan matapos na ang una ay umiskor ng team-high 17 puntos at ang huli ay nag-ambag ng 12 puntos at game-high 12 rebounds sa panalo kontra St. Benilde.

Asam naman ng Altas, na nasa No. 3 sa bitbit na 8-3 karta, na manatili sa tabi ng Red Lions at Chiefs sa pagsagupa sa Blazers sa ganap na alas-2 ng hapon na laro kung saan pinapaboran ito kontra sa koponan na hindi pa nagwawagi simula nang mag-umpisa ang torneo at makalasap ng 11 sunod na kabiguan.

Abot kamay sana ng Las Piñas-based dribblers ang liderato kung hindi lamang nito nalasap ang 55-71 kabiguan kontra sa San Sebastian College Stags noong Biyernes.

“We have to return to the basic by playing straight up defense,” sabi ni Perpetual Help coach Jimwell Gican na aminadong nawala sa depensa ang koponan matapos limitahan ang kalaban sa league-best 61 puntos kada laro.

“Our main concern is the lack of balance scoring last game where Nigerian Bright Akhuetie ended up the lone Perpetual Help player who scored in double figures by firing 21 points. Again, we need to emphasize on team play not just in defense but offense as well. We can’t rely on one or two players to carry the team,” sabi ni  Gican.

Read more...