ANUMAN ang sabihin ng iba, malapit pa rin sa puso ko si Rosanna Roces at ang kanyang pamilya.
Kumpare ko si Onyok sa isang anak niya kaya close din sa akin ang batang iyan.
Nakita ko ang ups and downs ng buhay ni Osang – I know her a little well kaya mahal ko iyan.
I know how she started sa negosyo naming ito.
It wasn’t an easy climb for her – I don’t want to question her decisions – I respect them.
Marami ang nagsasabing sinayang ni Rosanna ang mga pagkakataon niya sa buhay pero I am not in the position to question her. Ang mahalaga kasi para sa akin ay ang kaligayahan ng tao, kung sa tingin niya’y masaya siya sa choices niya sa buhay, go.
For as long as hindi mo naman ako ginagambala, desisyon mo iyan.
Mahirap kasing mangialam sa buhay ng may buhay, nagbibigay lang naman tayo ng payo sa mga taong humihingi ng advice pero kung hindi naman, wala tayong karapatang panghimasukan sila.
Unless siguro nagiging threat na sila sa national security. Me ganu’n?
Anyway, nabalitaan ko ang nangyari sa kanila ng anak niyang si Onyok.
Na diumano’y nagkapisikilan silang mag-ina.
Na sinapok siya ni Onyok dala ng pagkapikon on something.
Nasaktan si Osang physically and what is more painful for me is the emotional pain that went with it.
Nagalit ako kay Onyok sa puso ko, kahit sabihin pa nating nasa katwiran siya halimbawa – kahit tama pa ang punto ni Onyok halimbawa, galit ako sa mga anak na nananakit ng magulang lalo pa ang kanilang ina.
Nasasaktan ako sobra.
Nakapagsalita si Osang laban sa kanyang anak, marami siyang masabing hindi kagandahan, nasambit niya na kung alam lang niyang gagawin ito sa kanya ng anak, noong nasa sinapupunan pa lang sana niya si Onyok ay pinatay na niya.
Natural na saloobin ng isang ina ito, mali man sa pandinig o pananaw ng iba pero I understand where Rosanna is coming from.
God will surely forgive her with that dahil alam kong darating din ang araw that she will also feel sorry for what she said.
Pero sana ay dumating din ang oras na pumasok sa puso ni Onyok ang realization ng nagawa niya sa kanyang ina.
That very painful act of hurting a mother.
Natural lang na kung minsan ay nakakasagot tayo sa ating mga magulang on some issues pero to the point na sasaktan mo ito physically, that’s a big sin! Hindi ko carry ang ganyan.
Kahit gaano pa tayo kasalbahe sa mundong ito, I cannot imagine a son slapping his mother.
Di baleng tayo ang masampal ng ating ina huwag lang tayo ang manakit sa kanya.
Sana dumating ang araw na magkapatawaran silang mag-ina.
Huwag nilang isipin ang sasabihin ng mga tao – ang mahalaga ay silang mag-ina.
Pangit kung sa pangit sa mata ng mga tao ang naganap na iringan sa kanila pero keber, di ba?
Ang mahalaga ay pumasok sa puso nila ang pagpapatawad at pagmamahalan.
Wala namang ibang mga tao sa mundong ito ang dapat magdamayan kundi ang mag-anak, di ba?
Nakakalungkot itong nangyari sa kanila pero I will pray na sana’y magkaayos sila.
This time, piece of unsolicited advice lang for Onyok, please apologize to your mom.
Kahit sabihin mo pang nasa katwiran ka sa anumang gusot na namagitan sa inyo, she’s still your mom at ang mga ina ay dapat minamahal, hindi sinasaktan.
Mapalad nga kayo at meron kayong mga ina, na buhay pa at tumitingin sa inyo sa lahat ng pagkakataon.
Dapat ay minamahal, pinahahalagahan at inaaruga ang ating mga ina.
Isipin na lang natin kung anong hirap ang pinagdaanan ng mga nanay natin mapalaki lang tayo nang maayos, kung paano nila tayo binuhay.
Kung meron man silang pagkukulang along the way, dapat ay unawain na lang natin sila.
Hindi natin sila sinasabayan sa init ng ulo – bagkus ay dapat pa natin silang inuunawa.
Nakakalungkot talaga, di ba? Hay…
Mahirap din ang kalagayan ni Osang. It’s not easy to be so down then biglang sumikat at yumaman then bumalik sa kawalan. Wrong decisions?
Maybe, pero we’re not authorized to decide for their lives.
But I know Osang will survive all these hardships – hindi na naman bago sa kanya ang mga ganitong pagsubok dahil she’s been there before.
Pero ang sakit ng nararamdaman niya ngayon bilang isang inang masyadong sinaktan ng anak, that’s unbelievable.
That’s very painful. And what a coincidence, nangyari pa ito noong Good Friday kung kailan namatay ang Panginoon.
Gosh! Let’s hope ang pray na maaayos nila ang problema nilang mag-ina.
After all wala namang pamilyang perpekto, di ba?
Napakaraming Osang at Onyok sa kapaligiran kaya dapat ay tulungan din natin sila.