Winner-take-all PBA D-League Foundation Cup Finals ngayon

Laro Ngayon
(Alonte Sports Arena)
5 p.m. Tanduay vs Phoenix
(Game 3, best-of-three Finals)

MAGHAHARAP ang Phoenix Accelerators at Tanduay Rhum Masters sa huling pagkakataon para malaman kung sino ang tatanghaling kampeon sa Game Three ng 2016 PBA D-League Foundation Cup Finals ngayon.

Ang Accelerators at Rhum Masters ay inaasahan na parehong ibubuhos ang kanilang makakaya sa paghaharap nila ngayong alas-5 ng hapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Galing sa 89-75 panalo kontra Phoenix sa Game Two noong Martes, hindi nagkukumpiyansa ang Tanduay sa kanilang tsansang mapanalunan ang korona dahil sinabi ni head coach Lawrence Chongson na nagawa lamang nila na makapuwersa ng winner-take-all Game Three sa kanilang finals matchup.

“Phoenix is a dangerous animal. I would want nothing else but to win on Thursday,” sabi ni Chongson. “It’s just our instinct to survive. We’re holding on to nothing but ourselves.”

Dehado man sa kanilang serye, naniniwala si Chongson na may pagkakataon silang mauwi ang kanilang kauna-unahang D-League title.

“People are already writing us off, but it’s a testament na habang may buhay, may pag-asa,” sabi ni Chongson.

Read more...