Maine nagpakatotoo sa US, lumabas ang pagka-fan

maine mendoza

NAPAIYAK sa kaligayahan si Maine Mendoza habang pinapanood nang live ang concert ng favorite foreign band niyang Cold Play sa California, USA. Naka-post sa official Facebook account niya ang video habang umiiyak.

Last Friday umalis ang phenomenal star patungong Los Angeles kasama ang isa niyang kapatid, si Celeste Tuviera at Jenny Ferre ng Eat Bulaga para manood ng concert. At doon nga lumabas ang pagiging super fan ni Maine.

‘Yun ang dahilan kung bakit hindi nakadalo sa PEPList Awards si Maine last Sunday sa Crowne Plaza. Tanging si Alden Richards lang ang nakapunta sa event na anim na awards naman ang nahakot. Sina Alden at Maine ang top winners. Unanimous choice sila ng editors bilang TV Stars of the Year. Ka-tie ni Maine si John Arcilla bilang Breakout Star of the Year.

Binoto naman ng PEPsters, ng AlDub Nation, ang kanilang mga idolo bilang Celebrity Pair of the Year.
Ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang tinanghal na Movie Stars of the Year. Nakuha rin ni Kathryn ang Teen Star of the Year (Female) habang si Darren Espanto ang Male Star of the Year.
Favorite Wedding of the Year ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Read more...