Edu kumontra sa hiling ni Robin kay Duterte; pabor sa drug test

edu manzano

“IBA pa rin talaga ang original!” Ito ang nagkakaisang komento ng mga kasamahan sa media nang muling humarap si Edu Manzano sa entertainment media para sa presscon ng bagong teleserye ng GMA na Someone To Watch Over Me.

Hindi pa rin matatawaran ang kakaibang humor at karisma ng magaling na aktor na nakuha rin naman ng kanyang anak na si Luis Manzano. Pero sabi nga ng ilang colleagues, iba pa rin ang dating ng isang Edu Manzano dahil iba pa rin talaga ang orig.

Matagal na namahinga sa pag-arte si Edu pero nagdesisyon nga siyang bumalik sa paggawa ng soap nang i-offer sa kanya ng GMA ang STWOM na pagbibidahan nina Tom Rodriguez, Max Collins at Lovi Poe. Sabi ng aktor, bigla na lang daw siyang nagising isang araw na hindi na niya kilala ang mga bagong artista, maliban nga sa anak niyang si Luis. Ha-hahaha!

Pero seryoso yun, ha. Talaga lang daw na-miss niya ang pag-arte plus na-feel niyang napag-iwanan na siya sa mundo showbiz. Kaya bago pa man daw siya makalimutan ng bagong henerasyon, “I need a comeback and this is a worthy endeavor.” Ngayong Sept. 5 na ito magsisimula sa direksyon ni direk Maryo J. delos Reyes.

Samantala, agree si Edu sa plano ng PNP at ni Pangulong Duterte na ilabas ang listahan ng mga taga-showbiz na sangkot sa droga, “Ako, okay lang, you reveal. Unang-una sa lahat, ang request ko lang is, to make sure that these are valid, these names.

“Hindi puwede yung tsismis-tsismis lang, dapat may ebidensiya, it has been long been established, hindi lang puro lip service. Hard evidence ang pinakaimportante diyan,” pahayag ni Edu.

Kumontra naman si Edu sa request ni Robin Padilla na bago ibandera ang mga pangalan ng artistang involved sa illegal drugs ay makipag-dialogue muna sa mga otoridad. Para sa nagbabalik-Kapuso actor, mas maganda raw kung ang mismong mga TV network at film companies ang makipag-usap sa kanilang mga contract artists.

Pabor din siya na magkaroon ng provision sa mga kontrata ng artista sa mandatory drug testing.

Read more...