Tumaya sa Albay nanalo ng P22M

    lotto for site
Isa ang nanalo ng P22.617 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola kamakalawa ng gabi.
     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 33-34-02-30-37-20.
     Ang nanalo ay tumaya sa Tabaco, Albay.
     Nanalo naman ng tig-P25,000 ang anim na mananaya na nakakuha ng limang numero.
     Tig-P1,000 naman ang 697 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 14,196 mananaya na nakatatlong numero.
     Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...