14 anyos pinugutan ng kapitbahay na nabaliw dahil sa droga

PINUGUTAN ang 14-anyos na lalaki ng kapitbahay na umano’y nabaliw dahil sa paggamit ng droga, kamakalawa sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa pulisya, nagtamo rin ang biktima ng mga saksak sa katawan.
Natagpuan ng mga residente ang bangkay alas-10 ng gabi sa dumpsite sa Brgy. Minuyan Proper.
Tatlong oras bago ito, nakita ang biktima at ang kanyang kuya na tumatakbo palayo sa suspek na si Rubilito Arroyo na may hawak-hawak na kutsilyo, ayon sa kamag-anak na si Rique Boyoc.
Nadakip ang suspek, na nasira umano ang pag-iisip dahil sa paggamit ng droga, ani Supt. Wilson Magpali, hepe ng San Jose del Monte police.

Read more...